PIÑOL, BINWELTAHAN ANG MEDIA
PIÑOL, BINWELTAHAN ANG MEDIA
Alam niyo po mga kaDDS meron po ako sasabihing sikreto sa inyo. Sa bawat interview na aking ginagawa sa mga opisyal ng gobyerno ay may ganitong sentimyento katulad ni Dept. of Agriculture Sec. Manny Pinol. Yung iba pa nga po ay naluluha pag pinag-uusapan namin ito. Ayaw nalang nila ito ipakita sa Video kaya hindi ko ito nilalabas. Yung iba hindi man nila sinasabi ng direkta, mararamdaman mo ito sa kanilang pananalita. Tuwang tuwa sila pag nai-interview sila at nailalabas ang BUONG BALITA ng mga PAGBABAGO kanilang ahensya ng gobyerno. Kasi nga po karamihan (hindi lahat) sa MAINSTREAM MEDIA ay talagang may direktang utos mula sa may-ari ng kanilang pahayagan o network na siraan ang gobyernong DUTERTE. Kaya ang idinidiin nila ay ang maliliit na pagkukulang sa bawat departamento. Halimbawa nalang diyan ay sa dami ng magagandang ginawa ng DOTr ano pa ang idiniin ng Maintream Media? Ang issue ng "state of mind" lang daw ang traffic (naipaliwanag na natin ito dati (http://ow.ly/BJJ63054Z9Q). Isa po sa napakasipag na gabinete ng ating pangulo ay si Sec. Manny Pinol. Ngunit minsan mo lang siya mababasa o mapapanuod sa Mainstream Media. Bakit? Hindi kasi ito makulay na balita at hindi ito makakasira kay Pangulong Duterte. Kaya isa sa dahilan kung bakit ko po tayo nagpupursigi na ma-interview ang mga opisyal ng gobyerno ay dahil hindi ipinapakita ang mga mabubuti nilang ginagawa. TAO DIN PO SILA. They need to be encouraged. Kung ibang media naman hindi na nga ibinabalita ang mga pagbabago ng ahensiya ng gobyerno ay sisiraan pa nila. Kung nagbabalita lamang sana ng pantas ang media ay nalalaman sana ng mamamayang Pilipino at buong mundo ang mga accomplishments ng bawat ahensiya ng ating gobyerno. 100 Days pa lamang ang DUTERTE ADMINISTRATION ngunit nalamapasan na ito ang mga nagawa nakaraang administrasyon sa loob ng 6 na taon. At isa pa ang masama dito pagbibintangan pa ng "CREDIT GRABBING". Maraming proyekto ang sinimulan ni Aquino ngunit laging hindi natatapos. Bakit kanyo? Kasi ganito yan, sa bawat proyektong pinapasok sa gobyerno marami sa opisyal ay may commission o may kita pag ito ay naapruban. Minsan pa nga napakalaki ng quotation pero pagdating sa implementasyon ay yung mga mabababang klase na ang binibili para yung matira ay binubulsa nalang. Yan ang nangyari sa MRT natin kaya sira lagi. Ngayon pagpasok ng Duterte Administration sa kalagitnaan ng taon halos ubos na ang nakalaang budget na dapat ay para sa buong taon. Kaya todo kayod ang mga gabinete upang maramdaman ng mga tao ang pagbabago dahil yan ay ang utos ng ating Pangulo. Sabay ang MEDIA kesa na ibalita ang mga pagbabago ay yung mga mapanlinlang na mga issue pa ang ibabalita? Tapos magagalit sila pag sila'y sinasabihang UNFAIR or BIASED! Kaya pag may nagsasabi sa akin na imposible daw na wala akong bayad sa pag interview ko sa mga opsiyal ng gobyerno eto lang masasabi ko- kulang pa nga itong ginagawa ko sa tindi ng sakripisyo ng mga government officials natin lalo na nga ating Pangulo. Halos karamihan sa kanila lagpas dose oras sa trabaho dahil nga pressured sila sa atin. Dahil ang Pangulo natin ay nangako ng tunay na pagbabago. Kaya mga kaDDS kung gusto niyong makatulong din sa kanila pag may nakita kayong good news share niyo sa lahat ng friends niyo. Tayo nalang ang inaasahan ng DUTERTE ADMINISTRATION. At sa inyo po Sec MannyPiñol mabuhay po kayo!
Source : Mochablogger
No comments