Chitika

TRENDING: Resulta Ng Drug Test Na Ipinakita Ni Trillanes FAKE O HINDI?


Inilabas ni Sen. Antonio Trillanes IV ang resulta ng kanyang drug test sa isang pribadong ospital. 

Sa kanyang twitter account, ipinost ng senador ang resulta ng kanyang screening drug test report mula sa The Medical City na may petsang October 24, 2016. 

Sa naturang report, pawang negatibo sa paggamit ng anuman droga ang senador kasama na ang shabu, ecstasy, marijuana, cocaine at iba pa. 

Magugunita na una nang hinamon ni Trillanes si presidential son and Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na sila ay magpa drug test base sa alegasyon ni self- confessed Davao Death Squad hitman Edgar Matobato na ito ay gumagamit ng droga.
Mariin naman itinanggi ni Duterte ang alegasyon at sinabi na isang baliw si Matobato. 


Kasunod nito ibinunyag ni Duterte na may isang senador na gumagamit ng cocaine na hindi naman niya pinangalanan. 

Samantala, ang drug test result ni Trillanes ay pirmado ni Dr. Gregorio Cortez III, isang pathologist at ng medical technologist na si Evangeline Aguinaldo.
Usap-usapan ngayon kung totoo ba o fabricated ang drug test result na ibinida ni Senator Trillanes. Kamakailan inirekomenda ni Paolo Duterte na sa Bonifacio Global City sa Taguig magpa drug test ang dalawa dahil precise ang resulta sa naturang drug test center. Subalit nagpa-drug test si Trillanes sa isang pribadong hospital. (Source: ph-newsportal)

No comments

Powered by Blogger.